Taumbayan naiinip na IATF: KONTING TIIS PA SA FINANCIAL AID

NAKIUSAP ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mamamayan na hintayin ang hudyat o anunsyo ng Local Government Units (LGUs) hinggil sa takdang pagsisimula ng pamamahagi ng P200-billion cash assistance program para sa mahigit 18 milyong mahihirap na pamilyang Filipino.

Sinabi ni IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na batid nilang marami na ang naiinip na makuha ang financial assistance na nauna nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga makatatanggap ng government aid, ani CabSec Nograles ay ang matatanda, homeless Filipinos, ‘no work, no pay’ workers, magsasaka at mangingisda at stranded workers dahil sa enhanced community quarantine.

Hindi naman nilinaw ni CabSec Nograles kung ano ang plano ng DSWD subalit sinabi nito na ang pamahalaan ay magbibigay muna ng food packs bago ang financial aid.
Base sa guidelines na ipinalabas ng DSWD ukol sa social amelioration program, nakasaad na ang pamilyang entitled sa cash grant ay pupuntahan ng kinatawan ng kani-kanilang LGUs.

Ang mga LGU ay inatasan nang magsumite ng kanilang listahan ng mga benepisaryo para sa social amelioration program. CHRISTIAN DALE

174

Related posts

Leave a Comment