TAXI DRIVER ITINUMBA NG BIKER

NALAGUTA ng hininga ang isang 43-anyos na taxi driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang bicycle riding gunman sa Malabon City noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Malabon Police chief, P/Col. Angela Rejano, dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Eduard Nonong, ng #51 Kaingin Road, Balintawak, Quezon city.

Habang mabilis na tumakas ang suspek lulan ng bisikleta patungo sa Del Monte Avenue, Brgy. Potrero makaraan ang pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dakong alas-4:00 ng hapon, nakatayo ang biktima sa Banana Road, malapit sa Brgy. Potrero, nang lumapit mula sa likod ang suspek na sakay ng bisikleta at binaril sa ulo si Nonong. (FRANCIS SORIANO)

122

Related posts

Leave a Comment