TAYTAY MAYOR POSITIBO RIN SA COVID-19

NADAGDAG ang alkalde ng Taytay sa lalawigan ng Rizal sa humahabang talaan ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa kanya mismong Facebook page, inanunsyo ni Mayor Joric Gacula na “nakaramdam po ako ng pangangati ng lalamunan, at nakaramdam ng ginaw at nakaexperience ng sinat o tinatawag na slight fever. Agad po ako kumonsulta sa family doctor.”

March 29 aniya nang lumabas ang resulta ng kanyang test at nagpositibo siya. Nilinaw naman ng alkalde na mild ang kanyang kaso.

Kasabay nito ay pinayuhan niya ang mga kababayan na sundin ang payo ng pamahalaan sa community quarantine at social distancing. Tiniyak din niyang magpapatuloy ang relief operations ng pamahalaan.

Nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ang gobernador ng lalawigan ng Rizal na si Nini Ynares. KNOTS ALFORTE

287

Related posts

Leave a Comment