MAGBIBIGAY ng public address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte alas-4:00 ngayong hapon.
Nasa kalahati na kasi ng buwan ang ipinatutupad na lockdown sa Luzon dahil sa COVID 19.
Bukod pa sa hinihintay ng Kongreso ang report ng pamahalaan ukol sa naging pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.
“He will have a televised message today tentatively set at 4:00pm,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Sa kabilang dako, nakatakda namang magsumite ng kanyang report si Pangulong Duterte sa Kongreso ukol sa kung paano ginastos ng administrasyon ang public funds na pantulong sa mga indigent families at health workers na nakikipaglaban ngayon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) bilang bahagi ng checks and balances measure sa ilalim mng “Bayanihan to Heal as One Act” na nagbigay ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte para tugunan ang nasabing pandemic.
“I expect to receive a report on [the] distribution of financial aid to the 18 million families of the informal sector, mass testing specially in urban areas, [and] prioritization of the safety and welfare of the frontline health workers,”ayon naman sa text message ni Senate President Vicente Sotto III. CHRISTIAN DALE
174
