QUEZON – Arestado ang isang guro na umano’y tulak ng ilegal na droga, sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Bobbit Austria Villanueva, 31-anyos, residente ng Barangay Mamala 2.
Batay sa report ng Sariaya Police, ikinasa ang buy-bust operation laban sa suspek matapos makarating ang sumbong ng mga kabarangay hinggil sa ilegal na gawain nito.
Inaresto ang suspek matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer.
Nakumpiska sa suspek ang isang sachet ng shabu na tinatayang P6,496 ang street value. (NILOU DEL CARMEN)
205 