TECHNOLOGY GAGAMITIN SA PAGPAPAIKLI NG EDSA REHAB

PLANO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gumamit ng bagong construction method para paikliin ang rehabilitasyon ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), itinuturing na ‘busiest thoroughfare’ sa Kalakhang Maynila.

Sa isang panayam, sinabi ni DPWH-National Capital Region Director Engr. Loreta Malaluan na sinaliksik na ng departamento, sa pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr), ang mga “available road materials, procedures, and technologies that can be adapted to facilitate the implementation of the EDSA Rehabilitation Program in the shortest possible time.”

Ito’y alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ‘paikliin ang rehabilitasyon ng EDSA mula sa orihinal na dalawang taon at gawing anim na buwan hanggang isang taon na lamang.

Matatandaang, sinuspinde ni Pangulong Marcos ang rehabilitasyon para bigyang-daan ang masusing pag-aaral kung paano maiiwasan ang sobrang abala nito sa publiko.

(CHRISTIAN DALE)

24

Related posts

Leave a Comment