TEEHANKEE NANUMPA BILANG KINATAWAN SA WHO

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath-taking ni Ambassador Manuel Antonio Teehankee bilang Philippine Permanent Representative sa World Trade Organization (WTO).

Malinaw na tapos na ang isolation period ng Pangulo matapos itong magpositibo sa COVID-19 antigen test noong nakaraang linggo.

“Pagkatapos ng ating isolation period, tayo ay nakipag-usap kay Ambassador Manuel Antonio Teehankee at pinangunahan ang kanyang panunumpa bilang,” ayon sa Chief Executive.

Si Teehankee ay naging ambassador sa naturang posisyon mula 2004 hanggang 2011 at hanggang 2017 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Si Teehankee na isang Ateneo School of Law professor ay naging chairperson ng WTO Committee on Trade and Environment mula 2008 hanggang Oktubre 2011.

Sa courtesy call ni Teehankee sa Pangulo ay naroon din sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., at Presidential Management Staff Secretary Maria Zenaida Angping. (CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment