LAGUNA –Sumuko ang 131 miyembro ng communist terrorist group o CTG, sa gobyerno at iniharap kay Philippine National Police chief, Gen. Archie Gamboa sa Camp Vicente Lim sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.
Bitbit ang kanilang mga armas, sumuko ang mga rebeldeng miyembro ng Militiang Bayan na kabilang sa grupo ng Dumagat/Remontado Indigenous People sa lalawigan ng Rizal at Quezon.
Kabilang din sa mga sumuko ang mula sa sektor ng mga manggagawa sa lalawigan ng Laguna kabilang ang mga dating miyembro ng “Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU).
Nagsagawa ng malawakang kampanya ang pinagsamang PRO4-A at Armed Forces of the Philippines RTF-ELCAC Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Timog Katagalugan upang magbigay impormasyon at kaalaman tungkol sa mga teroristang makakaliwang grupo na taliwas sa gobyerno ang itinuturong idelohiya at pananaw. (CYRIL QUILLO)
