TESTIMONYA NG KUMANDER: UP, PUP STUDES NI-RERECRUIT NG NPA

npa500

(NI CARL REFORSADO)

ILANG mga estudyante ng University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang puwersahan umanong pinapasapi sa New Peoples Army (NPA).

Ito ang testimonya ng mga rebeldeng sumuko sa kanilang pagharap sa media sa Camp Crame kahapon.

Base sa pahayag ni Ka Ruben, tumatayong lider ng mga sumukong NPA, may mga pumapasyal umanong mga estudyante ng UP at PUP sa kabundukan ng Kalayaan sa Laguna at kadalasan ay hindi na nakakababa ang mga ito sa kapatagan dahil s apuwersahan na umano silang ginagawang miyembro ng mga kumander ng NPA.

“Palaging may mga dumadalaw sa bundok na mga estudyante ng UP at PUP, minsan 8 sila minsan naman 2 hindi pare-pareho, kadalasan sa mg aito ay hindi na nakakababa pa dahil sa ginagawa na silang miyembro ng mga kumander. Dahil sa takot din, syempre kayo po, may baril yung kausap niyo, kayo po matatakot na rin pong umayaw. Oo na lang po ang sagot niyo,” pahayag ni Ka Ruben sa kanyang testimonya sa ginawang press briefing.

Ayon naman kay Chief Supt. Edward Carranza, Calabarzon Regional Director, parte umano ng immersion ng mga nabatid na estudyante para makita ang pamumuhay sa kabundukan pero ang nangyayari ay napipilitan na silang mamuhay kasama ang gma NPA dahil sa hindi na sila pinapababa ng mga kumander.
“Part of their immerson para makita nila pamumuhay doon sa bundok then later on we also have report na kapag nandun na sila sa taas they share information na hindi na sila pwede bumaba sa kapatagan sa magiging member sila, Yan ang initial report na binigay sa atin nitong mga dumagat,’ pahayag ni Carranza.

Sa ngayon dagdag pa ni Carranza na ang target ng kapulisan ay ang organizer ng mga estudyante o yung tao na nagiging tulay upang makaakyat sa kabundukan ang mga estudyante at makihalubilo sa mga NPA.

 

 

 

293

Related posts

Leave a Comment