Ni Ann Esternon
Pangkaraniwan naman ang magkaroon ng pimples ngunit sa panahon ng pandemya kung saan napakarami ang nasa loob ng bahay ay naroon pa rin ang pagtubo at pagdami ng mga tigyawat. Bakit ba ito nangyayari?
Nangyayari ang pagkakaroon ng pimples kapag nagbara ang hair follicles sa mukha o saan mang parte ng katawan na mayroong pimples. Nagkakaroon ng pagbabara dahil sa sobrang oil, dead skin, at mga dumi. Ang pimples ay karaniwang tumutubo sa mukha, leeg, balikat, dibdib o likod.
Ang pigsa at kuliti ay parang pimple na may pagbabara rin sa hair follicles dala pa rin ng sobrang oil, dead skin, at mga dumi.
Karaniwan din ang pimples sa mga teenager pero kahit anong edad ay pwedeng tamaan nito.
Mas delikado ang pimples kapag may skin bacteria nang nakakapit dito.
SAAN NAKUKUHA ANG PIMPLES?
– Maliban sa hindi pagiging malinis sa katawan at kapaligiran, ang pimples ay maaaring mamana
– Kapag may pressure sa balat, halimbawa sa pagsuot ng mahigpit na helmet, suspenders at iba pa
– Lugar kung saan nagtatrabaho na may kinalaman sa mga kemikal o oil na maaaring makasira sa balat
– Sa mga cosmetic na ginagamit na nakasisira ng balat
PARAAN PARA MAIWASAN ANG PIMPLES
– Maiiwasan ang pimples kung maalaga sa katawan at kapaligiran. Dapat mapanatiling malinis ang mukha o lugar na tinutuluyan o tinatambayan.
– Maghilamos nang regular gamit ang facial wash na akma sa inyong skin type
– Kumain ng masusustansyang pagkain
– Maging maingat sa paggamit ng beauty products
