Ni Ann Esternon
Mahalagang laging alerto at positibo ang galaw ng ating utak.
Ang malusog na pangangatawan at pag-iisip ay daan upang magkaroon tayo ng positibong aktibidad ng buhay.
Paano nga ba’ng mapapanatiling malusog ang ating utak?
– Una sa listahan natin ang pagkaing ng fatty fish. Mahusay na source ito ng omega-3 fatty acids, healthy unsaturated fats ito para makatulong sa pagpapababa ng blood levels ng beta-amyloid – ang protina na bumubuo ng mga nakakapinsalang clumps sa utak ng mga taong may sakit na Alzheimer. Kumain nito kahit dalawang beses sa loob ng isang linggo. Piliin ang uri ng mga isdang mababa sa mercury gaya ng salmon, cod (bakalaw), canned light tuna, at pollack.
– Mabeberdeng gulay. Ang mga gulay na ganito tulad ng broccoli, kale, spinach ay mayayaman sa vitamin K, lutein, folate, at beta carotene.
– Berries. Ang flavonoids na nagbibigay tingkad sa kulay ng berries ay nakatutulong para gumanda ang ating memorya.
– Walnuts. Ang mga mani ay source ng protein at healthy fats para tumalas ang isip. Ang walnuts ay mataas sa omega-3 fatty acid na alpha-linolenic acid, tulong sa pagpapababa ng blood pressure at naiingatan nito ang ating arteries. Mahusay ito sa puso at utak.
– Kape at tsaa. Ang mga inuming ito ay nagbibigay ng short-term concentration lalo na para sa kukuha ng test para sa mental function.
– Itlog. Makatutulong ito para sa pagpapaganda ng concentration.
– Dark chocolate. Mataas ito sa flavanols, special compounds ito para ma-improve ang blood flow sa utak upang mapataas ang cognitive function at memorya. Ang dark chocolate ay mayroon ding polyphenols, unique phytochemicals ito para makapagpababa ng depression at anxiety.
