Tokhang victims pinagkaitan BUTI PA SI DIGONG MAY DUE PROCESS – SOLON

MASWERTE si Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasapakat nito dahil magkakaroon sila ng ‘due process” sa International Criminal Court (ICC) kumpara sa mga biktima ng Oplan Tokhang partikular na ang mga inosente.

Ito ang opinyon ni House deputy minority leader Carlos Zarate matapos suspendehin ng ICC ang imbestigasyon sa kasong “crime against humanity” dahil nais umanong bigyan ng korte ng due process ang mga akusado.

“The so-called suspension is merely part of the ICC procedure to afford due process to the Philippine government- the same due process denied to thousands of ordinary Filipinos slaughtered in Duterte’s war on drugs,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na hindi binigyan ng mga pulis ng due process ang mga Pilipino na pinatay dahil sa talamak na ‘nanlaban’ matapos mapaghinalaang gumagamit o kaya nagbebenta ng ilegal na droga.

Naniniwala ang mambabatas na kung binigyan lang ng due process ang mga biktima ay posibleng marami sa mga ito ang nabuhay.

Hindi naman nababahala ang solon na tuluyang abandonahin ng ICC ang inuumang na kaso laban kay Duterte at mga kasabwat nito sa Oplan Tokhang na naging dahilan ng pagkamatay ng humigit kumulang 7,000 katao.

“Those responsible may have delayed the proceedings now, but, they cannot forever avoid the long arms of justice from catching up with them,” ayon pa sa kongresista.

Tiniyak nito na hindi mananahimik ang mga kaanak ng mga biktima at itutuloy nila ang paghahanap ng hustisya, at hindi lamang si Duterte ang kanilang papananagutin kundi ang mga pulis na nakapatay sa kanilang mahal sa buhay.

Sa ngayon ay mayroon nang 52 pulis na sangkot umano sa Oplan Tokhang ang iniimbestigahan. (BERNARD TAGUINOD)

161

Related posts

Leave a Comment