BINATIKOS ng libo-libong mga lokal na residente at maging ng netizens ang mga tinaguriang ‘kakampink’ na dumalo sa rally ni Vice President Leni Robredo sa Pasay City nitong Sabado.
Ito ay dahil sa tone-toneladang basura na iniwan sa mga lansangan at sa mismong lugar kung saan ginanap ang event.
“Akala ko ba sila iyong matitino at disente? Eh sila pala ang baboy at walang pakialam sa kaayusan at kalinisan ng lugar,” galit na sabi Zaira Bernabe ng Tramo, Pasay City.
“Palibhasa mga plastik! Kaya sandamakmak na plastic at basura ang iniwan ng mga dilawan na iyan sa lugar namin,” sabi naman ni Bam Rodriguez na taga- Malibay.
Binatikos din ng netizens ang grupo ni Leni matapos mag-post ng maraming larawan ang official Facebook page ng MMDA ukol sa mga nagkalat na basura sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Ave., sa Pasay.
“Ngayon umaga ay nagsasagawa ng cleanup operations ang mga kawani ng MMDA sa bahagi ng D. Macapagal Ave., sa Pasay. Tulong-tulong sila sa pagwawalis at paghahakot ng mga basura sa nasabing lugar,” ayon sa FB post ng MMDA.
Hindi ito pinalampas ng netizens na agad nagpahayag ng kanilang galit at pagkadismaya sa mga iniwang basura.
“At least consistent ang pinklawan. Todo bash sa MMDA before rally, ang ending sila maglilinis sa kalat niyo,” ayon sa netizen na nakilalang si John Robert.
Tinutukoy ni John Robert ang batikos na tinanggap ng MMDA matapos ipasara ng ahensya ang kalsada ilang araw bago magsimula ang rally ni Robredo.
Pero nilinaw ng MMDA na kaya nila ipinasara ang lugar ay dahil na rin sa kahilingan ng mga organizer ni Robredo para bigyang daan ang rally nito.
“The so called educated as they proclaimed themselves nagkalat ng basura sa Pasay,” ayon naman sa netizen na si Abian Ascura Belz.
“Yung tinatawag niyong hayop ang naglinis ng kalat nyong mga professional!! Ugaling professional squatters,” ayon naman kay Dheng Phi.
Marami rin ang nagpasalamat sa kabayanihang ginawa ng mga tauhan ng MMDA.
“Sosyal, may taga-linis ang mga matapobre. Ganyan ang klase ng pamamahala ang gusto niyo? Walang disiplina at malasakit sa kapaligiran. Maraming salamat MMDA,” sinabi ni N-ghel Castillo.
“MMDA maraming salamat sa mga tao niyo na nagsisilbi sa bayan kahit na anong batikos. God bless po!” Komento naman ni Cliff Reyes Villareal. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
