TOP 1 MWP NG CIDG ARESTADO

CAVITE – Arestado sa bisa ng warrant of arrest ng mga operatiba ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG) ang top 1 most wanted person regional level na isang 45-anyos na kitchen staff sa isinagawang Oplan Pagtugis sa bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinila ang naaresto na si Dexter Basilio y Miranda, binata, ng GMA, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 noong Lunes ng hapon, nagsagawa ng Oplan Pagtugis at Salikop ang mga operatiba ng Southern MMDFU NCR CIDG (lead unit), RDB-SAF at DMFB SPD, sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto kay Basilio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Liza A. Aquiatan, National Capital Judicial Region RTC, Branch 205 ng Muntinlupa City dahil sa kasong carnapping.

Ang naarestong suspek ay miyembro ng Boy Astig criminal group na sangkot sa gun running, robbery hold-up at carnapping activities na nag- o-operate sa Southern part ng Metro Manila at karatig probinsiya. (SIGFRED ADSUARA)

147

Related posts

Leave a Comment