TOP 4 MOST WANTED SA RAPE ARESTADO

ARESTADO ang isang 26-anyos na helper na may kasong rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest, sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 266 A, par. 1 (a) ng Revised Penal Code na inamiyendahan sa Republic Act 8353, ay kinilalang si Rico Balagos y Marfil, stay-in helper sa Barangay 2, Zone 1, Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-5:30 ng hapon noong nakaraang Marso 4 nang bitbitin ng mga awtoridad ang suspek mula sa tinutuluyang bahay sa nasabing lugar. (RENE CRISOSTOMO)

189

Related posts

Leave a Comment