INARESTO ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District, ang isang 54-anyos na jobless, sa bisa ng warrant of arrest, sa kasong acts of lasciviousness at child abuse, noong Miyerkoles ng umaga sa Carlos Palanca Sr. Street, Quiapo, Manila.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Damaso Burgos, hepe ng DIDMD, ang suspek na si Jose Madriaga, binata, residente ng Quiapo, Manila.
Batay sa ulat ni Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD-WSS, bandang alas-11:28 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa naturang lugar.
Ang suspek ay kabilang sa top most wanted persons, district level, sa kasong lasciviousness conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 na inamiyendahan sa R.A. 11648.
Inirekomenda ng korte na maglagak ng P180,000 halaga ng pyansa ang suspek para sa pansamantala niyang paglaya. (RENE CRISOSTOMO)
