TRAIN PROJECTS MALABONG MAKUMPLETO NG BBM ADMIN

Ni Tracy Cabrera 

DILIMAN, Lungsod Quezon — Lumilitaw na malabo nang makumpleto ang mga big-ticket railway project sa termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (PBBM) makaraang aminin ng Department of Transportation (DoTr) nahaharap ito sa  ligal na opinyon na maaaring magpaantala sa pagkakaroon ng right of way (ROW).

Hinayag ng mga source sa DoTr na maituturing na malaki ng hamon para sa administrasyong Marcos Jr. na makamit ang target nitong malunsad ang ₱873.6-bilyong North-South Commuter Railway (NSCR) at ₱488.5-bilyong Metro Manila Subway Project (MMSP) paloob ng termino nito.

Sa kasalukuyan, itinigil na ng DoTr ang pagsulong ng ROW para sa dalawang proyekto makaraang matanggap ang opinyon ng Department of Justice (DoJ) ukol sa mga financing agreement savilalim ng Republic Act (RA) 10752, o ang ROW Act.

Tinukoy ng mga source na ang pinakamainam na magagawa ng administrasyon ay ang partial operation sa 2028 ng isang bahagi ng Malolos-Clark Railway Project, na segment lang ng NSCR. Sa kabilang dako, nahaharap naman ang MMSP ng delay sa ROW dahil limitado ang  isinasagawang subterranean works ng mga kontratista nito.

Napagalaman din na may argumento sa mga alituntunin ng ROW acquisition sa pagitan ng batas at mga loan agreement sa mga multilateral. Halimbawa na rito ang kahilingan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na bayaran ng pamahalaan ang mga maaapektuhan sa mga proyekto, kabilang ang mga iskwater o informal settler.

Iginiit ng JICA na kabahagi ng mga guideline na itinakda para sa resettlement action plan, kailangang ibigay ang “prior compensation at full replacement cost, as much as possible.”

Dangan nga lang ay nakasaad sa ROW Act ang ‘no payment’ policy para sa mga informal settler na maaapektuhan ng mga  infrastructure projects kaya kakailanganing ilipat ang mga ito sa Isang resettlement site na mayroong nga basic facility at serbisyo.

“The law demands that informal settlers be moved to a relocation site and if they refuse, the court has to issue a writ of demolition to remove their properties,” pinunto ng mga source.

13

Related posts

Leave a Comment