TRANSCO, PINAKAMALAKING AMBAG SA REMITTANCE NG PAMAHALAAN

Nangunguna ang National Transmission Corporation (TransCo) sa listahan ng mga government-ownedand-controlled corporations (GOCCs) na may pinakamalaking naiambag sa kita ng pamahalaan.

Sa statement ng Department of Finance (DOF) noong March 30, 2021, sinabi nito na sa pinagsamang ambag ng 10 GOCCs na umabot sa P21.44 bilyon, ang TransCo ang may pinakamalaking naibigay sa Bureau of Treasury (BTr) na umabot sa P8.32 bilyon.

Sinundan naman ito ng mga remittance mula sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na may P7.1 bilyon, at sa Philippine Ports Authority (PPA) na may P3.541 bilyon.

Base sa Financial Report ng TransCo, ang nasabing divi dend contribution ay kumakatawan sa 50 porsyentong net earnings nito mula taong 2016 hanggang 2019.

“Ginagawa lang namin ang aming makakaya na tulungan ang gobyerno na mabigyang-solusyon ang mga pangangailangan ng ating kababayan ngayong may pandemya.

Masaya kami na makatutulong ang aming remittance para masiguro na mapondohan ang infrastructure projects ng pamahalaan,” sabi ni TransCo President & CEO Atty. Melvin A. Matibag.

Simula nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine (EQC) noong March 2020, naging aktibo na ang TransCo sa pagtulong na malabanan ang pandemya nang mag-realign ito ng budget para magbigay ng agarang pinan syal na tulong sa mga ospital sa Quezon City tulad ng Philippine Red Cross.

Isa ang TransCo sa mga nag-sponsor ng COVID-19 testing ng mga frontline worker ng Quezon City Police District (QCPD), pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) at nagbigay ng relief assistance sa mga mahihirap na lugar,” dagdag pa niya.

Alfonso G. Cusi ang TransCo, na isang GOCC na nasa ilalim ng DOE, para sa malaking ambag nito upang masiguro na ang nakaplanong infrastructure projects ng gobyerno ay maisa sakatuparan.
“Ang mga infrastructure project ng pamahalaan ay susi sa pagbangon at pagsulong ng bansa mula sa pandemya at makukumpleto lamang ito kung may sapat itong pondo.

Ang kita ng TransCo ay makatutulong hindi lamang sa infrastruc ture projects kung hindi pati na rin sa pagpapaunlad ng buhay ng mamamayan,” ayon kay Secretary Cusi.

Bukod sa P8.32 bilyong remittance ng TransCo, pinagaaralan din nito na dagdagan ng 1.6 bilyon ang remittance nito sa mga susunod na buwan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7656, inuutusan ang mga GOCC na mag-remit ng at least 50 porsyento ng kanilang sa national government.

TRANSCO, NAGPAABOT NG TULONG KAUGNAY SA PANDEMYANG DALA NG COVID-19.

PAGTULONG SA FRONTLINE WORKERS

Bilang suporta sa Bayanihan to Heal as One Act, nag-donate ang TransCo ng Personal Protective Equipment (PPE) at medical supplies sa Lung Center of the Philippines (LCP), East Avenue Medical Center (EAMC), at Philippine Heart Center (PHC). Ang bawat ospital ay tumanggap ng 440 sets ng PPE, 80 bottles ng vitamins, 50 gallons ng alcohol, 50 pieces ng unan, at 2,000 pieces ng surgical masks.

Gayundin, nagbigay ang TransCo ng isolation tents sa PHC at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office.

TULONG PA SA FRONTLINERS

Noong March 28 hanggang March 31, binuksan ng TransCo ang kanilang 14-room dormitory sa tinatayang 42 frontline medical workers ng LCP.

Maliban sa libreng pamamalagi, ang mga frontliner na ito ay nakatanggap din ng libreng food packs araw-araw.

Samantala, ang mga frontliner ng PHC ay nagkaroon ng libreng shuttle  services mula April 27 hanggang May 11, 2020.

Maliban pa rito, ang TransCo ay nag-donate rin ng P7.5 milyon sa LCP para sa Covid-19 testing ng police frontline workers ng Quezon City Police District.

Malugod ding ibinabalita ng Transco na nagpamigay sila ng food packs sa LCP, PHC, at EAMC. Ang bawat ospital ay tumanggap ng 100 food packs bawat araw na nagsimula noong March 28 hanggang May 15, 2020.

Ang mga security guard at janitor na nakaposte sa nasasakupan ng TransCo ay tumanggap din ng food packs kada araw.

TULONG-PINANSIYAL SA PRC

Ipinagmamalaki rin ng TransCo na nagbigay din sila ng P3 milyon sa Phi lippine Red Cross para makabili ito ng PPE para sa iba pang medical workers.

KAWANGGAWA SA KOMUNIDAD

Noong May 11, 2020, nagbigay ang TransCo ng 1,700 relief goods sa mga residente ng Barangay Central ng Quezon City. Ang Barangay Central ay ang komunidad na katabi ng Power Center kung saan matatagpuan ang TransCo.

PAGTULONG, IPINAMALAS PA SA LSIs

Noong July 29 ng nakaraang taon, nagpahiram ang TransCo ng mga bus na magdadala sa 60 locally-stranded individuals o LSIs, na mga apektado ng lockdown na iniutos sa gitna ng pandemya, upang ang mga ito ay makauwi sa kanilang mga lugar sa Sorsogon. Binigyan din ang bawat isa sa kanila ng tatlong meals habang nasa biyahe.

Maliban sa provision ng land transportation, nag-donate rin ang TransCo ng 500 food packs sa iba pang LSIs na namalagi sa Rizal Memorial Stadium
sa Malate, Manila

 

171

Related posts

Leave a Comment