MAS kaunti ang lumahok sa Traslacion ngayong taon kumpara noong 2025, ayon sa pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.
Tinatayang aabot pa rin sa halos isang milyon ang kabuuang crowd, subalit hindi umano kasing-dami ng nagdaang taon.
Ayon sa Quiapo Church, bumagal ang usad ng andas dahil sa mga kabataang agresibong sumasalubong, humahawak sa lubid at umaakyat sa andas, dahilan para umatras-abante ang prusisyon.
Dahil dito, mas nagtagal ang Traslacion kumpara sa mga nakaraang taon.
Patuloy ang panawagan ng mga organizer sa mga deboto—lalo na sa kabataan—na sumunod sa alituntunin upang maging maayos at mabilis ang daloy ng prusisyon.
Bandang 3:02 ng hapon, umabot na sa 681,650 ang crowd estimate habang nasa Quezon Blvd. northbound, kanto ng Arlegui St. pa lamang ang andas.
Nagsimula ang Traslacion alas 3:58 ng madaling araw mula Quirino Grandstand at inaasahang makababalik sa Quiapo Church bago maghatinggabi.
(JOCELYN DOMENDEN)
58 