TRAVEL BAN EXTENDED HANGGANG HULYO 15

EXTENDED ang travel ban sa ilang bansang nakitaan ng mataas na kaso ng COVID-19 at may Delta variant.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh. Hindi naman nito nabanggit kung kasama ang Oman at Nepal.

Ani Sec. Roque, layunin nitong maiwasang may makalusot na Delta variant papasok sa Pilipinas.

Hanggang ngayong Hunyo 30 na lamang dapat ang travel ban sa mga bansang ito subalit pinalawig pa ng Palasyo, bilang bahagi ng paghihigpit sa border. (CHRISTIAN DALE)

128

Related posts

Leave a Comment