TRAVEL BAN SA CHINA PINAG-AARALAN PA BIYAHE SA MACAU, HK IBINALIK NA

MAAARI nang bumiyahe ang mga Overseas Filipino Worker papuntang Macau at HongKong.

Sa isang ambush interview, kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na batay sa pag-uusap nila ni Health Sec. Francisco Duque III ay napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force na alisin na ang travel ban sa mga nasabing lugar.

Sinabi pa aniya sa kanya ni Sec. Duque na kailangan lamang ideklara ng mga Pinoy worker na alam nila ang risk o panganib sa kanilang pagbabalik sa Macau at Hongkong.

Kaya aniya nagbago ang posisyon ng Pangulo rito ay dahil sa “persistent request” ng OFWs.

Samantala, pinag-aaralan na ng pamahalaan kung tatanggalin na rin ang travel ban na umiiral laban sa China.

Ito ay makaraang  manawagan si Chinese Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary Huang Xilian sa Philippine government na ire-assess ang travel ban na ipinatutupad sa mainland China. CHRISTIAN DALE

192

Related posts

Leave a Comment