SIMULA ngayong Linggo (Hulyo 25), magpapatupad ang Bureau of Immigration (BI) ng travel ban sa bansang Malaysia at Thailand na nakararanas ng surge sa COVID-19 dahil sa Delta variant.
Ito ang napag-alaman mula kay Immigration Commissioner Jaime Morente bilang tugon sa direktiba ng Malacañang na isama sa mga pasaherong hindi papapasukin ng Pilipinas ang mga galing sa Malaysia at Thailand hanggang sa katapusan ng buwan.
Bukod dito, iniulat na umakyat na sa 10 bansa ang nasa travel ban ng Pilipinas. Kabilang dito ang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman, the United Arab Emirates, at Indonesia.
“Foreigners arriving from said countries or with a travel history there within the last 14 days will be denied entry and will immediately be sent back to their port of origin,” ayon kay Morente.
Ang mga Pilipino naman na galing sa naturang mga bansa bilang parte ng ‘repatriation program’ ng pamahalaan ay papapasukin ngunit isasailalim sa mahigpit sa ‘safety at health protocols’ para makatiyak na hindi makapapasok ang ibang nagtataglay ng naturang variant.
Ipinaalala naman na ang kasalukuyang nasa biyahe nang ibang mga dayuhan na darating sa bansa, bago mag-Hulyo 25 ay papapasukin pa rin ngunit isasailalim sa 14-araw na quarantine. (RENE CRISOSTOMO)
306 