CAVITE – Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng riding in tandem habang nakaupo sa kanyang tricycle sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga.
Unang dinala sa San Lorenzo Hospital ngunit inilipat sa Tanza Medical Hospital ang biktimang si alyas “Michael” subalit idineklarang dead on arrival.
Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklong Aerox, na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa ulat, bandang alas-7:45 noong Miyerkoles ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite.
Habang nakaupo umano ang biktima sa driver side ng kanyang tricycle nang lapitan ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sa direksyon ng munisipyo habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.
(SIGFRED ADSUARA)
