TRIKE DRIVER HULI SA SHABU SA CHECKPOINT

SWAK sa kulungan ang isang tricycle driver matapos makumpiskahan ng umano’y shabu sa isang checkpoint habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City.

Kinilala ang arestadong suspek na si Rodel Deran, 38, tricycle driver, ng Cristobal St., Karuhatan, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa ulat ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator P/Cpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela City Police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-2:30 ng hapon noong Martes, naglatag ng police checkpoint sa harap ng Sea Oil sa Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan ang mga tauhan ng Sub-Station 9, sa pangunguna ni P/Lt. Francisco Tanagan.

Pinara nina Pat. Sunny Mercado at P/Cpl. Darwin Orale si Deran na sakay ng isang motorsiklo at nang hingin ang driver license para sa beripikasyon, nakita ng mga awtoridad ang plastic sachet ng shabu.

Nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu kaya agad itong inaresto.

Tinatayang 2.5 gramo ng umano’y shabu na may standard drug price na P17,000 ang nakumpiska sa suspek.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang motorsiklo ng suspek na walang plaka. (FRANCIS SORIANO)

114

Related posts

Leave a Comment