SUBMERSIBLE DRONE NATAGPUAN SA KARAGATAN NG CAGAYAN

CAGAYAN – Isinuko sa mga awtoridad ang hinihinalang isang submersible drone na natagpuan noong Martes sa karagatan ng Calayan sa lalawigan.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Cagayan Police Office director, Col. Merdito Angulan, natagpuan ng punong barangay ng Dalupiri ang nasabing drone sa karagatan na sakop ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Angulan, ang nasabing drone ay may propeller, antenna at rudder na nagpapakitang kontrolado ng remote control.

Sa ngayon ay sinusuri ito ng mga awtoridad upang malaman ang pinagmulan at kung posibleng banta ito sa seguridad.

Ang hinihinalang drone ay markang “JAIABOT” at “JAIA ROBOTICS INC.”

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal at maritime agencies upang mapanatili ang katahimikan at seguridad sa baybaying-dagat ng Cagayan.

(TOTO NABAJA)

28

Related posts

Leave a Comment