TRIKE DRIVER PATAY SA BOGA NI BAYAW

QUEZON – Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng kanyang bayaw na seaman sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Kinilala ng Tiaong Police ang biktimang isang na 43-anyos na residente ng Brgy. Bula, Tiaong.

Batay sa report ng Tiaong Police, kumakain ng almusal ang biktima kasama ng isa pa niyang bayaw sa kanilang bahay nang dumating ang suspek na kanila ring bayaw.

Bigla na lamang itong nagbunot ng .45 kalibre ng baril at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa ulo na agad nitong ikinamatay. Mabilis namang tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon, matagal nang may alitan ang dalawa tungkol problemang pampamilya at nakararanas ng depresyon ang suspek dahil sa financial problem na posibleng nag-udyok para barilin ang kanyang bayaw.

(NILOU DEL CARMEN)

230

Related posts

Leave a Comment