RIZAL – Arestado ang isang truck driver at tricycle driver makaraang makumpiskahan ng 80.3 gramo ng umano’y shabu at baril sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Binangonan, sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga arestado na sina Roland Fedillaga, truck driver, at Romie Espinosa, tricycle driver, residente ng Brgy. Sto. Niño, at Brgy. Biliran sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon laban sa ilegal na droga ang grupo ni P/Lt. Gady Mabanto ng Drug Enforcement Team, na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek kahapon ng umaga.
Nakuha sa mga ito ang 80.3 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P546,040, isang 9mm pistol at isang magazine.
Kapwa kinasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa RA 9165 at RA 10591, habang nakapiit sa detention cell ng pulisya. (ENOCK ECHAGUE)
247 