PINIGIL ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng Coast Guard District Bicol (CGDBCL), katuwang ang operating units nito, ang isang forward truck na umano’y sangkot sa ilegal na kalakalan at transportasyon ng produktong petrolyo nang walang kaukulang permit, sa Tabaco Port, Tabaco City, Albay.
Isinagawa ang operasyon habang nagpapatupad ng random K9 paneling at routine inspection ng mga outbound cargo.
Ayon sa PCG, na-intercept ng mga tauhan ng Coast Guard Substation (CGSS) Tabaco ang forward truck noong Abril 11 ng umaga, na may kargang produktong petrolyo na nakatakdang i-transport mula Tabaco City patungong San Andres, Catanduanes.
Kaagad namang nakipag-ugnayan ang CGSS Tabaco sa Maritime Safety Law Enforcement Group Bicol (MARSLEG-BCL) para sa tamang dokumentasyon, imbestigasyon, at legal na disposisyon.
(JOCELYN DOMENDEN)
84 