TUBIG SA LAWA NG TAAL NAGING BERDE AT DILAW

BATANGAS – Nagpalabas ng pahayag ang Department of Environment and Natural resources (DENR) ukol sa pagiging berde at dilaw ng kulay ng tubig sa Lawa ng Taal

Nangyari ito sa mga bayan ng Balete, Mataas na Kahoy, Lipa, Cuenca, Talisay, Agoncillo, Laurel at Tanauan na nasa paligid ng Bulkang Taal.

Ayon sa kagawaran, ito ay dulot ng natural phenomenon na kung tawagin ay “Algal Bloom,” isang indikasyon na muling sasabog ang Bulkang Taal.

Ang “Algal Bloom” ay isang natural phenomena na kung saan dumarami ang bilang ng mga Blue-Green Algae (Cylindrospermopsis sp.) na sinisiyasat na ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4-A sa Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station (BFAR4-A-BIFTOS).

Nanatili sa normal na lebel ang konsentrasyon ng dissolved oxygen (naitalang resulta 5.0ppm hanggang 7.0ppm) sa lawa. Nakatutulong pa rin ito na balansehin ang ibang pang parametro sa tubig at paramihin ang planktons at algae na nagsisilbing natural na pagkain ng mga isda sa naturang lawa.

Pansamantalang ipinagbawal ng DENR sa mamamayan ng nasabing mga bayan ang mga aktibidad gaya ng paglangoy o anumang gawain katulad nito dahil may peligro umano ito sa kalusugan at maaaring makakuha ng sakit sa balat at iba pa.

Hinikayat din ng tanggapan ang mamamayan na maging mapagmatyag at ipagbigay-alam sa kinauukulan kung mayroong kakaibang napansin o nakita sa lugar. (CYRILL QUILO)

255

Related posts

Leave a Comment