(CHRISTIAN DALE)
IGINIIT ng Chinese Embassy sa Pilipinas na “traditional fishing ground” ng mga mangingisdang Tsino ang West Philippine Sea (WPS).
Tugon ito ng embahada sa inihaing diplomatic protest ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa presensya ng Chinese vessels at ilegal na pag-o-operate ng daan-daang barko ng China sa karagatan ng Julian Felipe Reef nitong Abril.
“The vessels, reportedly numbering more than 100, were found illegally operating in the maritime waters of Julian Felipe Reef, which is a low-tide elevation within the territorial sea of relevant high tide features in the Kalayaan Island Group, including Chigua Reef, on April 4, 2022,” ayon sa DFA.
Subalit, ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, ang DFA at ang Chinese government ay mayroong ‘contradicting claims’ sa maritime issue.
Sinabi ni Huang na maliit na bahagi lamang ito ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Hanggang sa ngayon, wala pang tugon ang Chinese Embassy sa pinakahuling diplomatic protest na inihain ng DFA, sa pagkakataong ito ay may koneksyon sa maritime activities ng China sa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng bansa.
Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 300 reklamo ang isinampa ng Pilipinas laban sa mga ilegal na aktibidad ng Beijing sa West Philippine Sea.
