TULAK LAGLAG SA P.5-M TOBATS

NABITAG sa inilatag na buy-bust operation ang isa umanong tulak ng shabu at nasamsam ang mahigit kalahating milyong halaga ng ilegal na droga sa sa Jorge Bocobo Street, Malate, Manila noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang target ng operasyon na si Rodelio Moreno, 48- anyos, jobless, ng Maria Orosa Street, Malate, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), bandang alas-10:05 ng gabi nang ikasa ang naturang buy-bust operation sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang anim na bulto ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P510,000.

(RENE CRISOSTOMO)

269

Related posts

Leave a Comment