TULAK PATAY SA ENCOUNTER

DEAD MAN

NANLABAN umano sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang umano’y tulak ng ilegal droga, sa inilatag na buy-bust operation sa Malate, Manila, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na suspek na si Leonardo Ybanez Uy  alyas “Nor”, binata, residente ng Dakota, Adriatico St., Malate.

Base sa isinumiteng ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD-Homicide Section, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng mga operatiba at ng suspek sa panulukan ng Don Pedro St. at Arellano St. sa Malate.

Nabatid sa report ni P/Lt. Col. Samuel Pabonita, station commander ng MPD-Malate Police Station 9, nagsagawa ng surveillance operation ang kanyang mga tauhan sa aktibidad ni alyas “Nor” sa nasabing lugar.

Nang magpositibo ang kanyang mga tauhan, sa pangunguna ni P/Capt. Gil John Lobaton, hepe ng Station Drugs Enforcement Team, ay agad nagkasa ng buy-bust operation.

Ngunit nakahalata umano ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ng baril.

Gumanti ng putok ang poseur buyer at agad tinamaan ang suspek.

Isinugod ang suspek sa Ospital ng Maynila ngunit idineklarang dead on arrival. (RENE CRISOSTOMO)

 

518

Related posts

Leave a Comment