NAMAHAGI ng tulong-pinansyal at ayuda si Senator Bong Go sa mga nasunugang pamilya sa Brgy. 106, Tondo, Manila.
Umabot sa mahigit 100 pamilya na may 35 kabahayan ang naapektuhan sa naganap na sunog nitong Mayo 18, 2025.
Personal ang ginawang pagbisita ng senador upang makisimpatiya sa mga biktima ng sunog kung saan bitbit nito ang iba’t ibang groceries bilang pantawid-gutom sa 105 pamilyang nawalan ng tirahan.
Nagpamudmod din ng mga bola para sa mga kabataan ang tinaguriang Mr. Malasakit, bukod sa bola namigay rin siya ng mga gamot at iba pang ayuda.
Umagapay rin ang DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. 106 kung saan nagkaloob ito ng tig-10 libong piso bawat pamilya.
Inihahanda na rin ang relocation site na paglilipatan ng mga pamilyang nawalan ng bahay.
Samantala, umabot sa 38 bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa Road 12 Phase 1, Brgy 628, sa Sta Mesa Manila sa kapareho ring petsa kung saan idineklarang fire out matapos ang halos 12 oras.
Sa inisyal na ulat ng BFP Manila, nagsimula ang sunog ng alas-3:42 nitong Mayo 18, sa bahay ng isang Nora Cariño
Alas-3:05 ng madaling araw tuluyan naapula ang sunog na umabot ng ika-apat na alarma.
Nasa 100 pamilya o higit 300 indibidwal ang nawalan ng tirahan at nasa higit P400,000.00 ang tinatayang halaga ng mga ari-arian ang natupok.
Bukod sa dalawang batang nasawi, dalawang lalaki rin ang naitalang sugatan ng dahil sa insidente habang hindi pa malaman ang totoong dahilan ng nangyaring sunog.
(JULIET PACOT)
