BAWAL pa ring lumabas ng kanilang bahay ang mga kabataan, tumambay at maglaro sa kalye lalo na kung hindi bakunado laban sa COVID-19.
Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Ang dahilan, ani Sec. Roque ay hindi pa bakunado ang mga kabataang ito kaya susceptible o madaling kapitan ng sakit.
Sa virtual briefing ni Sec. Roque ay sinabi naman ni MMDA chair Benhur Abalos Jr. na pinagbabawal din ang mga kabataan na lumabas ng bahay at maglaro sa kalye lalo na kung walang face mask.
“Ngayon kung hindi exercise ito, talagang bawal po iyon. Pangalawa, walang mask, naku, lalong bawal po iyon. Talagang dapat po sitahin ito dahil ito ay para sa mga bata, para sa pamilya nila.
You could just imagine ‘no, malalakas ang resistensiya ng bata but once they go home, hahawaan po nila lahat po ng pamilya nila. Remember why we are doing this, it is for the protection, para huwag kumalat at huwag mag-spread ang virus. That is the rule of thumb,” paliwanag ni Abalos.
Kaya ang payo ni Abalos sa mga magulang ay isipin ang kapakanan at kalusugan ng kanilang mga anak lalo pa’t walang bakuna ang mga ito at isipin na ang kanilang mga anak ay “very vulnerable” sa sakit.
“Dapat po talaga proteksiyunan natin ang bata. Napakaimportante po nito. Let’s always maintain the minimum health protocols at, of course, the mask,” ayon kay Abalos.
Samantala, nakasaad sa Section 4, Article 1 ng IATF resolution na pagdating sa outdoor exercises, bakunado man o hindi ay maaaring lumabas ng bahay, kahit ano pa man ang edad. (CHRISTIAN DALE)
