Tunay na may-ari hahanapin ng Kamara TITULO NG LUPA NG ABS-CBN IIMBESTIGAHAN

WALANG planong tantanan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pamilya Lopez na may-ari

ng ABS-CBN dahil nagpatawag ng hiwalay na imbestigasyon si Deputy Speaker Rodante Marcoleta

upang malaman kung sino ang talagang may-ari ng lupang kinatatayuan ng tanggapan ng nasabing

network sa Mo. Ignacia, Quezon City.
Sa House Resolution (HR) 1058 na inakda ni Marcoleta, hindi umano dapat ipagwalang bahala o

palampasin ang isyu sa lupang kinatatayuan ng tanggapan ng ABS-CBN kaya kailangang

imbestigahan kung sino ang tunay na may-ari nito.
Base sa resolusyon ni Marcoleta, nagpakita umano ng katunayan ang ABS-CBN na pag-aari nila ang

lupa sa Mo. Ignacia St. sa pamamagitan ng isinumiteng Owner’s Duplicate Certificate Title, TCT No.

125702 (PR-6990) nang bawiin ng pamilya Lopez ang network noong 1986.
Gayunman, nang suriin aniya sa Register of Deeds ang nasabing titulo, 42 sq. meter lamang ito na

malayo sa 44,027 square meter na inokupahan ng nasabing network.
Bukod dito, lalong naintriga ang mambabatas dahil may kakambal na titulo ang hawak ng ABS-CBN

na nakapangalan umano sa mag-asawang Florante E. Jonsay at Luzviminda L. Jonsay.

PDR NG GMA 7, TV 5

Kasabay nito, naghain din ng resolusyon si Nueva Ecija Rep. Micaela Violago para hingin at masuri

ang Philippine Depository Receipts (PDR) ng lahat ng broadcast network sa bansa kabilang na ang

GMA7 at TV 5.
Sa HR 984 na inakda ni Violago, kailangang masuri aniya ang mga PDR ng ibang broadcast network

upang matiyak na walang dayuhan ang nakabili nito.
Isa ang isyu sa PDR kaya sumabit ang ABS-CBN network dahil mahigit 60% sa kanilang PDR ay

ibinenta sa mga dayuhan na paglabag sa Saligang Batas na nagsasaad na bawal sa mga hindi

Filipino ang magmay-ari ng media entity. (BERNARD TAGUINOD)

480

Related posts

Leave a Comment