MATINDI ang pinagdaanan na pagsubok ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., simula pa lamang nang magdesisyon itong tumakbo sa pagkapangulo ay patuloy na hinamak at binabastos ang kanyang pamilya, kaliwa’t kanang paninira at disqualification cases na isinampa ng mga taga suporta ng kanyang mga kalaban sa pulitika.
Ngunit sa kabila nito ay patuloy na nangangampanya at kailanman ay hindi gumanti o nanira laban sa kanyang mga katunggali.
Sa pagiging kalmado ni BBM at ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez laban sa mga paninira ng ilang personalidad ay tila inaabuso ng mga ito ang nakasaad sa ating Revised Penal Code na freedom of expression na mayroong limitasyon, ang pag-akusa sa isang tao ng “magnanakaw”, “tax evader” o anumang mapanira na walang sapat na ebidensya o conviction ay labag sa batas.
Ang February 7,1986 snap elections na naging isa sa makasaysayang nangyari sa bansa noong panahon ni dating Pangulo Ferdinand E. Marcos, ang halalan na siyang nag-ugat upang maibagsak ang gobyerno dahil sa black propaganda ng dilaw sa tulong ng makakaliwang grupo.
Dahil sa pakikialam noon ng Simbahang Katolika sa pulitika ay kinausap ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin si Doy Laurel na hayaan na lamang na si Cory Aquino ang patakbuhin sa pagkapangulo laban kay Marcos upang hindi mahati ang boto kung silang dalawa ang tatakbo.
Hanggang sa pangalawang araw ng bilangan ng balota noong February 9, 1986 ay nag-walk out sa PICC ang 35 computer programmers dahil sa alegasyon ng dayaan sa bilangan ngunit hindi ito napatunayan at nanalo pa rin si Marcos sa pagpatuloy ng bilangan sa Batasan Pambansa nang inilabas ng COMELEC ang resultang 10.6M votes kay Marcos Sr. at 9.8M kay Cory.
Matapos ang ilang araw ay pumutok na ang EDSA Revolution at nanawagan si Cardinal Sin na suportahan ang nangyaring kilos-protesta hanggang sa ito’y nagwagi sa tulong din ng komunistang grupo at nangyari ang malaking pagkakamali sa kasaysayan ng bansa.
Sa darating na May 9 elections ay magaganap na ang pinakamakasaysayang eleksyon sa ating bansa sa tulong ng nagkakaisang mga Pilipino, at lalabas ang tunay na “People’s Power” upang muling ibalik sa Palasyo ng Malacañang si BBM at labanan ang maling impormasyon sa ilang dekada ng paninira sa mga Marcos.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
