TUP BINULABOG NG BOMB THREAT

NAGKAROON ng tensyon sa Technological University of the Philippines (TUP) makaraang makatanggap ng mensahe ang apat na estudyante sa magkakaibang oras, na may sasabog umanong bomba sa loob ng campus sa San Marcelino St., at Ayala Blvd., Ermita, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Unang nakatanggap ng mensahe ang apat na estudyante bandang alas-4:58 ng madaling araw at sumunod ng dakong alas-7:10 ng umaga at dakong alas-7:15 ng umaga.

Dahil dito agad nilang pinagbigay-alam ito sa nakatalagang security guard sa compound ng TUP, na iniulat naman sa Manila Police District (DACU), sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Ernesto Rivera Jr., na inasestihan ni Police Major Roderick Dismaya, hepe ng Lawton Police Community Precinct, sakop ng Ermita Police Station 5.

Agad kinordon ng mga awtoridad ang paligid ng unibersidad ngunit ayon kay Police Lieutenant Carl Lloyd Mupas, duty officer, makaraan ang imbestigasyon, walang nakitang bomba sa loob ng campus.

(RENE CRISOSTOMO)

41

Related posts

Leave a Comment