Ni ANN ENCARNACION
PEBRERO 2022 ang target ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na simulan ang Season 84.
“The UAAP is looking to open Season 84 this coming February 2022 with basketball, while volleyball will be held after Holy Week,” pahayag ni UAAP Season 84 president Nonong Calanog ng De La Salle University.
Kahapon (Miyerkoles) ay sinimulan na ang vaccination sa mga UAAP student-athletes sa Commission on Higher Education sa Quezon City bilang paghahanda sa pagbabalik ng collegiate league, na na-postpone simula noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Calanog, naghihintay na lang sila ng approval mula sa CHED, Department of Health (DOH), at Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-training ng mga student-athletes sa isang bubble set-up.
Dagdag niya, fully vaccinated na ang mga basketball at volleyball players ng UAAP-members schools, na karamihan ay handa nang magbalik-training.
Matatandaang napurnada ang UAAP Season 82 at Season 83 dahil sa pandemic.
Samantala, nakatakdang bakunahan din ang NCAA student-athletes sa susunod na linggo, ayon sa CHED.
