UAAP SEASON 82 BOYS FINALS: FEU KONTRA NU

MAKALIPAS ang tatlong taon, muling nakapasok sa finals ang Far Eastern University-Diliman para harapin sa best-of-three series ang undefeated National University Bullpups simula sa Biyernes, Marso 6.

Ang Baby Tamaraws, twice-to-beat sa semis ay hindi man lang kinakitaan ng kalawang sa kabila ng 23 araw na pahinga, nang patalsikin ang fourth seed Adamson University, 78-65 sa UAAP Season 82 Boys’ Basketball Tournament Biyernes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nalimitahan ng FEU si Adamson’s Season MVP Jake Figueroa sa 11 points (1-of-6 shooting), habang ang isa pang shooter ng Baby Falcons na si John Erolon ay nakapitong marka lang buhat sa 1-of-12 clip.

“Nagawa namin yung game plan namin na i-stop si Figueroa at si Erolon. Masaya ako na nagawa ng mga bata yung homework nila,” wika ni Baby Tamaraws head coach Allan Albano. Ito ang ikalawang Finals appearance ni Albano sa high school ranks at fourth overall ng FEU sa UAAP.

Ang fastbreak layup ni Penny Estacio sa 2:01 ang nagbigay sa Baby Tams ng 16-point lead, 72-56 para ibulsa ang panalo.

Mula sa apat na puntos na kalamangan sa second quarter, ang Baby Tams ay tinapos ang quarter sa pamamagitan ng rumaragasang 11-3 sprint at kunin ang double-digit edge, 43-31 sa halftime.

Si Estacio ang namuno sa FEU sa kanyang ambag na 18 points, four rebounds, four assists at two steals, habang si Mark Padrones ay nag-contribute ng 14 markers. Nagdagdag pa si Jorick Bautista ng 11 points habang si Cholo Anonuevo ay may nine points, 14 rebounds at three steals.

Si Joshua Barcelona ang sorpresang nanguna sa Baby Falcons sa kanyang 12 points at 12 rebounds (off the bench). (VT ROMANO)

122

Related posts

Leave a Comment