UAAP Season 84 men’s basketball UP 7th STRAIGHT WIN NA

KINAMADA ni Carl Tamayo, may double-double 21 points at 10 rebounds, at ng University of the Philippines Fighting Maroons ang kanilang seven straight win sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament matapos igapos ang National University Bulldogs sa 84-76, Martes sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nag-init ang Fighting Maroons sa second round at itinuloy ang pagkapit sa ikalawang pwesto sa 7-1 win-loss card record, sa likod ng wala pang talong Ateneo Blue Eagles.

Maliban kay Tamayo, nagdagdag ng tatlong steals at dalawang assists si Zavier Lucero sa kina­madang 16 points gaya ni Ricci Rivero, na sinamahan ng anim na rebounds at dalawang assists.

Matapos maitabla ni Reyland Torres ng NU (4-4) ang iskor sa 58-all sa third quarter, muling rumatsada ang UP sa fourth sa pangunguna ni Tamayo, 61-66. Lumobo pa ang lamang sa 14-puntos, 82-68, kasunod ng jumpshot ni Lucero sa huling 1:25.

Nanguna para sa Bulldogs si John Lloyd ­Clemente 18 puntos, 15 mula kay Torres at 11 kay Shaun Ildefonso.

1-GAME
SUSPENSION
SA UST PLAYER

ONE game suspension ang ipinataw ng University Athletic Association of the Philippines kay University of Santo Tomas Growling Tigers’ Bryan Santos para sa disqualifying foul sa laban kontra Ateneo de Manila University Blue Eagles noong Sabado.

Sa pagrerebyu sa video ng naturang game, nakitang siniko ni Santos si Ateneo big man Geo Chiu, sa huling 16 seconds.

Ayon Kay league commissioner Tonichi Pujante, napatunyang “deliberate act of violence and not a ­legitimate basketball play” ang ginawa ni Santos.

Bunga ng parusa, hindi nakalaro si Santos sa game kontra University of the East Red Warriors kahapon.

Samantala, suspendido rin ang referee sa UST-ADMU game na nabigong tawagan ng foul si Santos.

Ipinatawag naman ng UAAP Commissioner’s Office si Chiu matapos makita sa game review na binangga nito ng braso ang dibdib ni UST’s Christian Manaytay sa 15-second mark ng fourth quarter.

Gayundin sina Ateneo head coach Tab Baldwin (conduct unbecoming of a head coach), team ­manager Christopher Quimpo (conduct unbecoming of a team manager), at assistant coach Ford Arao (conduct unbecoming of an assistant coach).

154

Related posts

Leave a Comment