UAAP Season 84 women’s volleyball GUSTONG WALISIN NG NU

Ni ANN ENCARNACION

SISIKAPIN ng no. 1 National University Lady Bulldogs na ­ipanalo ang dalawang natitirang laro upang manatiling perpekto sa nakatakdang pagtatapos ng elimination round ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.

Tanging nakaharang sa hangarin ng Lady Bulldogs ang talsik na sa susunod na round na Far Eastern University sa Martes, at University of Santo Tomas sa Huwebes.

Ngunit manalo man matalo kontra FEU at UST, awtomatikong uusad sa final round ang NU at maghihintay na lang ng makakalaban.

Base sa tournament format, sakaling magkaroon ng two-way tie, maglalaban ang teams para madetermina ang ookupa sa ikalawang puwesto at ikaapat na silya.

Sa kasalukuyan, nag-a­agawan ang De La Salle University at UST para sa ikalawang ­puwesto, habang kapwa may tsansa sa ikaapat na puwesto ang Ateneo De Manila at Adamson University.

Sakaling magkaroon ng triple tie sa pagtatapos ng eliminasyon, gagamitin ang point system para malaman ang placing ng teams. Ang no. 2 seed sa pagtatapos ng elimination round ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa stepladder.

Maghaharap ang no. 3 at no. 4 teams at ang magwawagi ay makikipag-face off sa no. 2 seed na armado ng two-game advantage.

Sa pambungad na laro sa nakatakdang quadruple-header ngayon (Martes) sa Mall of Asia Arena, magbabanggaan ang UST at wala pa ring panalong UE sa alas-10 ng umaga.
Susundan ito 12:30 ng tanghali ng FEU kontra NU.

Pagsapit ng 4:00 ng hapon ang tapatan ng DLSU at ADMU, at 6:30 ng gabi ay UP laban sa AdU.

257

Related posts

Leave a Comment