US TRIP NI PBBM PINAPLANTSA NA

NAGPAPATULOY ang paghahanda para sa US trip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa susunod na buwan.

Dadalo ang Pangulo sa United Nations General Assembly sa New York para sa kanyang ‘first foray’ sa international diplomatic arena kung saan inaasahan siyang magtatalumpati.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na may ilang bilateral meetings ang nakalinya na dadaluhan ng Chief Executive subalit hindi naman binanggit kung kasama ang side meeting kay US President Joe Biden.

Nauna rito, binanggit ni Romualdez na nais niya ang hiwalay na inaugural bilateral summit sa pagitan nina Pangulong Marcos at Biden sa Washington D.C. na may mutually agreed date ngayong taon. (CHRISTIAN DALE)

356

Related posts

Leave a Comment