VALENZUELA MAY 3 KASO NA NG COVID-19

UMABOT na sa tatlo ang naitalang positibo sa COVID-19 sa Valenzuela City matapos makumpirmang nahawa ng nasabing sakit ang isang 34-anyos na lalaking immunocompromised.

Walang travel history sa ibang bansa si Patient No. 3 na nauna nang na-confine sa ospital dahil sa pneumonia.

Ilang araw matapos i-discharge ay muling nakaranas ng mga sintomas ang pasyente at nang magpakonsulta sa doctor ay binigyan ng antibiotics.

Sa kasalukuyan ay naka-confine sa pagamutan si Patient No. 3 at ang prognosis ay severe pneumonia.

May nakakabit na oxygen sa pasyente para matulungan siyang huminga.

Nakikipag-ugnayan ang Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa pamilya ni Patient No. 3 at nagsasagawa ng kinakailangang mga hakbang ang CESU gaya ng contact tracing sa mga naging close contact nito.

Ang tatlong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City ay walang kaugnayan sa isa’t isa. (FRANCIS SORIANO)

419

Related posts

Leave a Comment