IPINATATAWAG ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pasig City Mayor Vico Sotto para pagpaliwanagin sa posibleng paglabag sa alituntunin sa pinaiiral na
enhanced community quarantine.
Kinumpirma kahapon ni NBI Deputy Director and spokesman Ferdinand Lavin na pinadalhan ng liham ng anti-graft division si Sotto at pinahaharap ito sa punong
himpilan ng NBI sa April 7 upang mabigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag.
“For LGU officials for disobeying national government policies or directives in imposing qurantines under the Bayanihan to Heal As One Act,” paliwanag ni Lavin sa posibleng paglabag ng alkalde.
Matatandaang hindi agad tumalima ang pamahalaan ng Pasig nang ipagbawal ang biyahe ng mga tricycle.
“Our risk assessment shows that we cannot completely ban tricycles at this point,” tugon ng alkalde sa kanyang Facebook post.
“Kailangan makapasok ng mga health worker natin ganoon din ang mga nagtatrabaho sa essential services,” aniya pa. Pero kalaunan ay sumunod ito at gumamit ng alternatibong sasakyan para sa mga health worker ng lungsod. SAKSI NEWS TEAM
179 