VILLAR, PINAKAMAYAMAN PA RING SENADOR; DE LIMA, PINAKAMAHIRAP PA RIN

HINDI pa rin natitinag si Senador Cynthia Villar sa nangunguna sa listahan ng mga senador kung yaman ang pag-uusapan.

Batay sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga senador hanggang noong December 2020, umabot sa P3.875 bilyon ang networth ni Villar na halos walang ipinag-iba sa kanyang yaman noong 2019.

Sumunod kay Villar, ang pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao na may net worth na P3.187 bilyon habang pangatlo sa pinakamayaman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may networth na P581.07 milyon at pang-apat si Senate Majority Leader Migz Zubiri na may net worth na P220.73 milyon.

Ikalimang pinakamayaman si Senator Bong Revilla na may networth na P179.96 milyon kasunod nina Sen. Sonny Angara, P150.90 milyon; Senate Minority Leader Franklin Drilon, P106.86 milyon; Sen. Grace Poe, P101.32 milyon; Sen. Win Gatchalian, P91.21 milyon; Senate President Tito Sotto, P85.64 milyon; Sen. Pia Cayetano, P84.59 milyon; Sen. Richard Gordon, P77.57 milyon; Sen. Lito Lapid, P74.94 milyon; Sen. Francis Tolentino, P59.81 milyon; Sen. Nancy Binay, P59.77 milyon; Sen. Ping Lacson, P58.33 milyon; Sen. Koko Pimentel, P37.20 milyon; Sen. Imee Marcos, P36.27 milyon; Sen. Bato dela Rosa, P34.38 milyon; Sen. Joel Villanueva, P33.03 milyon; Sen. Kiko Pangilinan, P23.94 milyon; Sen. Bong Go, P22.27 milyon; Sen. Risa Hontiveros, P16.72 milyon at de Lima, P9.54 milyon.

Batay rin sa talaan ng SALN, walang utang o liabilities sina Villar, Gatchalian at Hontiveros. (DANG SAMSON-GARCIA)

194

Related posts

Leave a Comment