NAGTUNGO sa Napolcom sa Quezon City ang viral K9 dog na si “Kobe” kasama ang kanyang handler at tinanggap ang sacks of dog food na donasyon ng ilang pribadong indibidwal na nag-alala sa kalagayan ng aso matapos kumalat sa social media ang larawan nito. (DANNY QUERUBIN)
NASA pangangalaga na ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang aso o K9 dog na dineploy sa isang insidente ng pagsabog sa Tayuman, Tondo noong Sabado matapos mag-viral sa social media dahil sa kondisyon nito.
Ayon sa post ng AKF na isang animal welfare organization, ang K9 Explosive Detection Dog na si ‘Kobe’ ay dinala sa kanilang shelter noong Lunes.
Ayon sa Regional Explosive and Canine Unit – NCR (RECU-NCR), ang lab results ni Kobe ay normal at siya ay pinakakain ng sapat ngunit kailangan munang sumailalim sa 2-3 buwang panahon ng rehabilitasyon bago siya muling ma-deploy.
“While we thank the RECU, EOD- K9 and the MPD for their immediate response in reaching out, we continue to call for an urgent and comprehensive review of the health and welfare of all working K9s,” sabi ng AKF.
(JOCELYN DOMENDEN)
