GEN Z ni LEA BAJASAN
HIHIMAYIN ng Korte Suprema (SC) ang plano ng Sandiganbayan na tuldukan sa loob ng anim hanggang walong buwan ang lahat ng kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control projects.
Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na handa silang aksyunan agad ang anumang panukala ng Sandiganbayan para mapabilis ang pagresolba ng mga kaso.
“Any suggestions or recommendation coming from Sandiganbayan to expedite the cases involving flood control projects, for sure, we will review immediately and see to it that it is properly implemented and drafted,” ani Gesmundo.
Ayon naman kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg, bukas ang korte sa posibilidad ng livestreaming ng mga pagdinig, bilang hakbang tungo sa transparency.
Ngunit nilinaw nitong kailangan pa ng pahintulot ng Supreme Court, dahil kasalukuyang ipinagbabawal pa ang live coverage ng mga korte upang maprotektahan ang karapatan ng mga akusado.
(JULIET PACOT)BAKIT nga ba umatake ang pusa sa sariling amo? Nang mapanood ko ang viral na video na kinagat ng isang pusa ang babae, napaisip talaga ako sa lahat ng akala ko tungkol sa pusa. Kitang-kita ang takot sa mata ng babae, nanginginig ang mga kamay niya, at kahit ganoon, hindi niya sinaktan ang pusa na dati niyang inaalagaan. Sa sandaling iyon, na-realize ko kung gaano kakumplikado ang relasyon ng tao sa kanilang mga alagang hayop.
Hindi biglaan ang galit ng pusa. Kadalasan, nagmumula ito sa pagkabagot, stress, hormones o kakulangan ng emosyonal na atensyon. Madalas nakaliligtaan ng mga tao na kahit mukhang independent ang pusa, kailangan din nila ng higit pa sa pagkain at laruan. Kapag na-ignore o kulang ang kanilang stimulation, naiipon ang kanilang frustration. Ang tila biglaang pag-atake ay kadalasang reaksyon sa matagal na stress na hindi napapansin.
Minsan, nakatutulong kung may kasama ang pusa. Nakararamdam din sila ng lungkot at ang kaibigan na alaga o kasama sa paglalaro ay nakatutulong para maging abala at mas masaya sila. Pero hindi lang ito tungkol sa dami ng alaga. Mahalaga rin na maramdaman ng pusa na ligtas, naiintindihan at minamahal sila sa kanilang tahanan. Ang isang kalmadong kapaligiran na may sapat na atensyon at enrichment ay makaiiwas sa maraming problema sa ugali ng alaga.
Sana rin huwag na nating sisihin ang babae sa video. Minahal niya ang pusa at inalagaan ito sa abot ng kanyang makakaya. Maraming cat lovers ang ganito, mahal ang alaga pero kaunti ang alam sa ugali ng pusa. Ang pag-aalaga ng pusa ay nangangailangan ng pasensya, pag-aaral at pagbibigay pansin sa kanilang emosyon. Ang pagmamahal lang ay hindi sapat kung hindi natin naiintindihan ang sinasabi ng ating alaga.
Ang pinaka-nakapukaw sa akin ay kung paano niya hinarap ang atake. Takot at sugatan man, hindi niya ito sinaktan. Ipinakikita nito ang tunay na malasakit at pagpipigil sa sarili. Pagkatapos ng pangyayari, malinaw ang trauma niya. Kasabay nito, naiisip ko rin ang pusa, biglaang naiwan ang amo na dati niyang kilala. Naguguluhan at nagkaka-stress ang mga pusa kapag nagbago ang kanilang kapaligiran o nawala ang kanilang kilalang tao.
Mas maayos na na-rehome ang pusa. Minsan, ang pagmamahal ay nangangahulugang umatras ka na kapag delikado na para sa parehong tao at hayop. Marahil hindi akma ang unang tahanan para sa pusa na maramdaman ang kalmadong kapaligiran. Hindi ko man alam lahat tungkol sa pusa, malinaw na ang agresibong ugali ay laging may dahilan. Ang pag-unawa rito ang unang hakbang para maging responsableng tagapag-alaga.
Sa halip na gawing viral ang video upang magalit sa mga pusa at kainisan ang may-ari, pwede natin itong gawing aral. Ang pagiging furparent ay higit pa sa pagmamahal. Tungkol ito sa pasensya, pag-unawa at respeto sa likas na ugali ng hayop. Iba-iba ang bawat pusa at bawat relasyon ay nangangailangan ng effort. Kahit hindi ka cat lover, ipinaalala sa atin ng video na ang pagmamahal ay hindi lang tungkol sa pagiging malapit sa kanila. Kailangan din nating pakinggan sila, matuto mula sa kanila at minsan magpalaya para sa kapakinabangan ng kapwa.
