IPINAG-UTOS ng Commission on Elections ang pagsuspinde sa voters’ registration sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal kasama na rin ang ilang lugar sa Palawan at Cotabato.
Inihayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang pagsuspinde sa pangkalahatang pagpapatala ng mga botante na dapat ay magsisimula ng Lunes, Enero 20, 2020 at matatapos sa Setyembre 20, 2021.
Bunga ng pagsabing ng taal, suspendido ang pagpaparehistro sa ilang lugar sa Cavite at Batangas na lubhang apektado ng ashfall na nasa loob ng 14km danger zone tulad ng Agoncillo, Alitagtag, Lemery, Balete, Laurel, Mataas na Kahoy, Sta. Teresita, Taal, Talisay at San. Nicolas.
Maging ang mga bayan ng Balayan, Calaca, Calatagan, Tuy, Nasugbu, Cuenca, Lian, Lipa, Mabini at San Luis pawang sa Batangas, Tagaytay, Amadeo, Alfonso, Silang at Indang naman sa Cavite, na nasa labas na ng 14km danger zone na apektado ng volcanic eruption.
“Resumption of registration in areas affected by Taal Volcano eruption is contigent to the ability of those places to recover and return to normalcy,” sinabi ni Jimenez sa Pulong balitaan.
Ang pagpapatala ay simula Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at puwede rin kapag holiday maliban na lang sa April 9 at 10 (Maundy Thursday at Good Friday) at December 25 (Christmas day).
Maaaring alamin ng publiko kung mayroon satellite registration sa kanilang lugar upang hindi na sila mahirapan pa sa pagbiyahe, dagdag ni Jimenez. (DAHLIA ANIN)
149