(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
NAIS burahin si Vice President Sara Duterte sa mga posibleng mabigat na kalaban sa 2028 presidential elections kaya puspusan ang paninira ngayon kay former president Rodrigo Duterte at mga kaalyado ito.
Para kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, si VP Inday talaga ang target ng mga pag-atake ngayon sa kampo ng mga Duterte.
“Talagang demolition job, talagang sisiraan tayo nang husto para lalakas ang chances nila ‘pag 2028. Hoping na hihina si Inday Sara. Na kapag na-demolish lahat kami, maaapektuhan rin ang chances ni VP Sara. ‘Yan ang pinaka-grand design,” ani Bato.
Nauna nang sinabi Atty. Salvador Panelo na gumagamit ng pera at pananakot ang mga kritiko ng nakaraang administrasyon.
“The political enemies and detractors of FPRRD will not stop at throwing the kitchen sink at him by using coercion and money to compel persons to testify falsely against him.”
Wika ito ng chief legal counsel ni former president Rodrigo ‘Digong” Roa Duterte patungkol sa bagong rebelasyon ng resource person ng quad committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“These political scoundrels will not succeed. The Filipino people can see through their evil intentions,” ani Panelo.
Kasabay nito, pinabulaanan ni Panelo ang alegasyon ni dating police colonel Royina Garma, na iniutos di umano ng dating Pangulo ang pag-aalok ng reward para sa drug war killings ng kanyang administrasyon sa bansa.
Binanggit din ni Panelo ang ilang puntos na kumukuwestiyon sa katotohanan ng akusasyon ni Garma.
190
