WALANG ABERYA SA PAGBOTO NI ISKO

NAGING maayos at walang naranasang aberya sa proseso ng pagboto ni dating Manila mayor Isko Moreno Domagoso para sa 2025 national and local elections nitong May 12.

Dumating alas-10:15 si Yorme sa Manuel L.Quezon Elementary School at natapos siyang bumoto alas-10:20.

Sa panayam kay Domagoso, sinabi nitong maayos naman ang pagpasok ng kanyang balota sa automated counting machine (ACM) gayundin sa kanyang resibo ay tama ang lumabas na mga pangalan sa ibinoto sa kanyang balota.

“Ako mismo chineck ko yung binoto ko, ayun ok naman ang lumabas so far okay naman na binoto ko ,” pahayag ni Yorme.

Matapos makaboto, hindi pa rin nakaligtas si Yorme sa mga botante na nag-aabang at naghihiyawan sa tuwa na makita siya at sa pag-asang makababalik siya sa lungsod.

Nagpapasalamat naman si Domagoso sa ipinakitang mainit na suporta at pagtanggap muli sa kanya ng mga taga-Maynila.

Ayon kay Yorme, matalino na ngayon ang mga Manileño kaya naniniwala at kumpiyansa siya sa magiging resulta ng halalan.

Umaasa rin si Domagoso na mabigyan ng pagkakataon ang kanyang anak na si Joaquin Domagoso na tumatakbo namang Sangguniang Panlungsod sa unang distrito ng Maynila.

Mensahe naman ni Domagoso sa kanyang mga katunggali, manatili ang kapayapaan at umaasa itong maging payapa rin ang kabuuan ng pagdaraos ng midterm elections.

Samantala, alas-10 din ng umaga bumoto sina mayoralty candidate Sam “SV” Versoza at re-electionist Manila Mayor Honey Lacuna sa Legarda Elementary School sa Sampaloc, Maynila.

(JOCELYN DOMENDEN)

58

Related posts

Leave a Comment